What's on TV

Lovi Poe at Benjamin Alves-starrer na 'Owe My Love' pinuri sa "owe-ver na kilig at good vibes"

By Cherry Sun
Published March 16, 2021 4:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Lovi Poe at Benjamin Alves


Isang buwan na tayong pinapakilig at pinapatawa ng 'Owe My Love!' Salamat sa suporta niyo, mga Kapuso!

Umani ng papuri ang Owe My Love na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Lovi Poe at Benjamin Alves

Nitong February 15 unang umere ang Owe My Love at simula noon ay lagi na tayong pinakilig at pinatawa ng Kapuso rom-com series. Nag-trend na ang world premiere nito, patok na patok pa ang pilot week at full trailer sa mga manonood.

Makaraan ang ilang linggo ay patuloy ang pagkiliti sa atin ng kuwento nina Sensen Guipit (Lovi) at Doc Migs Alcancia (Benjamin Alves). Pansin ito sa positive feedback ng netizens tungkol sa programa.

Sambit ng isang netizen, “I love seeing the amazing on-screen chemistry of @LoviPoe with Benjamin Alves.”

Wika naman ng isa, “If you want to laugh, the watch this. Owe My Love para maging masaya ang gabi mo.”

Silipin ang iba pang komento ng mga manonood sa video sa itaas.

Owe-ver talaga sa kilig at good vibes! Kaya't h'wag kalimutang tumutok tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Kilalanin ang mga bida ng Owe My Love sa gallery sa ibaba: