GMA Logo Lovi Poe Benjamin Alves Winwyn Marquez
What's on TV

Lovi Poe, Benjamin Alves, Winwyn Marquez, starstruck sa kanilang 'Owe My Love' co-stars

By Cherry Sun
Published February 10, 2021 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Man attending fiesta in MisOr stabbed dead
NCAA: Arellano, Letran reignite rivalry in Group B as Season 101 men’s volleyball kicks off
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

Lovi Poe Benjamin Alves Winwyn Marquez


Pinapanood lang daw nila noon sina Aiai delas Alas, Leo Martinez at Nova Villa. Ngayon, ka-eksena na nila sa 'Owe My Love!'

Talagang powerhouse ang cast ng Owe My Love pagdating sa comedy at pati sina Lovi Poe, Benjamin Alves at Winwyn Marquez ay aminadong starstruck sa bigating co-stars nila.

Ang Owe My Love ang kauna-unahang offering ng GMA Public Affairs ngayong 2021. Ang upcoming program ay isang rom-com series na pagbibidahan nina Lovi at Benjamin. Makakasama nila dito ang mga maituturing legends pagdating sa pagpapatawa tulad nina Aiai delas, Leo Martinez at Nova Villa.

Sa husay ng kanilang co-stars, hindi nila maitanggi ang nararamdamang parehong pressure at pride sa kanilang mga eksena. Minsan na ring napa-post sa kanilang social media accounts si Lovi tungkol kay Aiai at si Benjamin tungkol naman kay Nova dahil sa pagkaka-starstruck.

Pag-amin ni Lovi, “Oh my gosh. You have no idea how I've been trying to compose myself and act cool and not like fan-girling. Kasi before we started taping, nung nalaman ko na I'm gonna be able to work with them, oh my God, I was just really excited. And the fact na I have to do comedy, nakaka-pressure talaga 'tsaka nakaka-challenge at the same time.

“Every time I'm there taking a scene, I try to be on my toes because all of a sudden, like Tito Leo would come up with… mag-a-adlib siya and then I don't want to be caught off guard and I have to be prepared all the time, and si Tita Nova as well. And si Ms. Ai, her expressions are just always on point. So sometimes, 'yung laughter talaga sa set or sa scene eh totoo na talaga. So yeah, I've been trying to act cool but I'm like starstruck every time.”

Ganito rin ang nararamdaman ni Winwyn na humingi pa raw ng payo sa kanyang ama, isa ring nakilala sa komediya na si Joey Marquez.

Kuwento ng aktres, “To be honest, sobrang fan kasi ako nilang lahat. Tumatawag pa nga ako sa daddy ko, sinasabi ko, 'Daddy, kaeksena ko sina Tito Leo, sina Tita Nova. Ano'ng gagawin ko, baka mapahiya ako?' Eh my dad is also a comedian. We all know naman 'di ba si Joey Marquez talagang ano 'yan, sitcom 'di ba, and lumaki ako sa set nila. So sobrang naaaliw ako 'pag ganyan. Tapos lagi lang niya ako sinasabihan na 'Wag kang mag-ano ah, 'wag kang mag-feeling na komediyante ka baka mamaya mapahiya ka diyan.' Kasi alam niya laging kontrabida 'yung roles ko and he told me na parang makinig ako sa kanila, panoorin ko sila, i-observe ko 'yun mga punch line nila, ganyan.

“Sabi ko, 'Pinapanood ko lang sila sa TV noon, ngayon kasama ko na sila pero hindi nila alam na kinikilig na po talaga ako 'pag nasa scene with them. So I'm very fortunate na makatrabaho ko sila and ang saya panoorin. Ang dami kong natututunan. Feeling ko, feeling ko minsan si Joey Marquez na rin ako, na kaya kong maging komediyante, parang ganun. Pero dahil nakasama ko sila, sana ma-imbibe ko 'yung Joey Marquez style na pagka-comedian 'di ba. So I'm very thankful na kasama ko sila and natututo rin ako sa ginagawa nila.”

Tulad nina Lovi at Winwyn, para kay Benjamin ay isang malaking check sa kanyang bucket list ang makatrabaho ang mga bigating comedians sa Philippine TV. Dahil dito ay mas pursigido raw ang aktor na suklian ang husay nila sa pag-arte at sa pagpapatawa.

Wika niya, “When you're starting your career in showbiz and in acting, sila po 'yung mga benchmark na gusto niyong makatrabaho. Parang may bucket list ka na nakatrabaho si Ms. Aiai… 'yung mga napapanood niyo lang po dati tapos makakatrabaho niyo na. Pwede kang ma-overwhelm dahil nga sa sobrang pagka-starstruck but you have to show, you try to just show them your respect to them and 'yung sobrang successful ng career nila, you try to reciprocate that respect na gawin 'yung eksena nang maayos, gawin 'yung eksena na sobrang truthful kumbaga.

“At years from now when you look back into this show na you were able to work with these legends… those are the things that you'll remember and actually those are the things that you'd check off your bucket list, that you were able to work with these legends on such a great material.”

Kilalanin ang iba pang stellar cast ng Owe My Love sa gallery sa ibaba:

Ang Owe My Love ay mapapanood na tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA simula February 15, 9:35 P.M.