GMA Logo Lovi Poe
Celebrity Life

Lovi Poe, nakipagkulitan sa netizens na crush si Hyun Bin

By Maine Aquino
Published May 5, 2020 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain expected in most parts of Luzon due to Amihan
12 injured after amusement ride collapses in Pangasinan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Lovi Poe


Ano kaya ang reaksyon ng KDrama fans na may gusto rin kay Hyun Bin?

Napuno ng KDrama kulitan ang Twitter account ni Lovi Poe mula nang napabalitang crush niya ang Crash Landing On You star na si Hyun Bin.

Una nang nai-tweet ni Lovi na pinapatigil na siya ng kanyang boyfriend na si Monty Blencowe sa pag-post tungkol sa Korean actor.

Hindi nagtagal, nakipagkulitan na rin si Lovi sa ibang CLOY fans.

Ani ni @khikaytheboss, kailangang pumila ni Lovi dahil maraming may crush kay Hyun Bin.

Tila kinilig naman si Lovi nang may nag-tweet ng photo ni Hyun Bin. Sagot ni Lovi, “Wag kasi kayo ganyan…”

May netizen rin na nagpaalala ng bilin ng boyfriend ni Lovi.

Itinuro naman ni @PepayPasaway kay Lovi ang pila sa “pantawid gutom.”


Si Hyun Bin ay ang sikat na KDrama actor na sumikat bilang Captain Ri sa Clash Landing On You. Napanood rin siya sa Memories of the Alhambra, Secret Garden, at Hyde Jekylle, Me.

Lovi Poe gives tips for a strong long-distance relationship

Lovi Poe, miss na umarte sa harap ng kamera