
Sa Los Angeles, California nagdiwang ng nakaraang holidays si Owe My Love star Lovi Poe kasama ang boyfriend niyang Bristish film producer na si Monty Blencowe.
Kasama rin umano nila ang pamilya ni Monty na nagdiwang ng Pasko.
“Monty is here and his family is also here. I spent Christmas with them. It's nice kasi parang syempre iba 'yung traditions natin sa traditions nila.
"It's nice to experience din 'yung iba't ibang traditions na ginagawa nila,” lahad ng aktres nang makapanayam ni Kapuso reporter Aubrey Carampel sa 24 Oras.
Source: lovipoe (Instagram)
Dagdag pa ni Lovi, hindi lang holiday getaway ang rason ng pagpunta niya sa Amerika. Mayroon daw siyang pinaghahandaan na hindi niya pa pwedeng isapubliko sa ngayon.
“I have something nice or something that I had to do talaga 'cause this is my only break since first taping of 'Owe My Love,' so parang this is the only time that I get to do this thing that I cannot share yet,” aniya.
Silipin ang ilan sa romantic getaways nina Lovi at Monty sa gallery na ito:
Kaagad din naman umanong babalik sa bansa ang aktres para sa muling pagsisimula ng lock-in taping ng upcoming Kapuso romantic-comedy series na Owe My Love.
Aniya, looking forward na ulit siyang makatrabaho ang co-stars niya sa serye, kabilang na ang leading man niyang si Kapuso hunk Benjamin Alves.
Sabi pa ng award-winning actress, nagpapasalamat siyang binigyan siya ng GMA Network ng pagkakataon na makasama sa serye at magampanan ang role ni Sensen Guipit.
“It's a very different role plus a very different story,” aniya.
Lahad pa niya, “Nagpapasalamat ako dahil talagang just to be given the opportunity to play a role as Sensen is already a big deal for me kasi nga talagang kahit comedy siya but realidad din na nangyayari ngayon.”
Sa serye, gagampanan ni Lovi ang karakter ng financially problematic na si Sensen Guipit habang si Benjamin naman si Migs Alcancia, isang celebrity doctor at financial advisor.
Bukod kina Lovi at Benjamin, kabilang din sa cast sina Winwyn Marquez, Aiai Delas Alas, Leo Martines, Nova Villa, ruby Rodriguez, Jackie Lou Blanco, Jon Gutierrez, Jelai Andres, Divine Tetay, Donita Nose, Jason Francisco, Long Mejia, Pekto Nacua, Brod Pete, Kiray Celis, Buboy Villar, Mahal, Ryan Eigenmann, Jessa Chichirita, at child star na si Angel Velasco.
Kilalanin ang cast ng Owe My Love sa gallery na ito: