
Bago magtapos ang 2021 ay ipinakilala ni Luane Dy sa social media ang kaniyang bagong business na Lu Classy Apparel + Tablewares.
Nitong December 2021 lang nang nagsimulang ibahagi ang clothing line ng Kapuso host. Ayon kay Luane, matagal na niya ito gustong gawing negosyo dahil ang mga damit ay isa kaniyang mga paboritong bilhin.
Photo source: @luziady
Kuwento pa ni Luane, naging daan ang kaniyang collaboration sa isang local fashion brand na nagsi-specialize sa breastfeeding mothers para pagtibayin ang desisyon niyang magbukas ng sariling clothing business.
Saad ni Luane sa interview nitong February 2, "Baka umpisa na 'yun, baka it's a sign. Kasi matagal ko na rin naman talaga gustong magkaroon ng sarili kong clothing line bilang mahilig ako sa damit at sa sapatos."
Ibinahagi ni Luane na nakahanap siya ng perfect opportunity na gawin na ito dahil sa work-from-home setup.
Paliwanag niya, "Ngayon lang ako naglakas ng loob na umpisahan na talaga bilang lahat naman tayo work from home ngayon. Sabi ko sige, baka kaya naman, nagbakasakali lang din ako na sana kayanin.”
Dugtong pa ni Luane, "Medyo okay naman, medyo pumi-pick up naman ng kaunti, kahit kaunti."
Makikita sa Instagram posts ni Luane ang ilang designs ng kaniyang damit. Sa caption naman ay mababasa ang inspirasyon sa mga ito.
Pagdating naman sa future plans ng Lu, nais ni Luane na manatili muna ito bilang online store bago siya magdesisyon na magtayo ng isang physical store.
Saad ng Kapuso host, "Parang gusto kong online lang, parang mas masyadong matrabaho baka hindi ko kayanin but let's see. Let's cross the bridge when we get there. Ayokong magsalita ng tapos."
Kilalanin ang iba pang celebrities na #GirlBoss sa gallery na ito: