
Sa episode ng The Boobay and Tekla Show nitong Linggo (October 31), ibinahagi nina Kapuso hunks Luis Hontiveros at Saviour Ramos na nakatanggap na sila ng regalo mula sa mga beki.
Ito ay kanilang ikinuwento sa nakatutuwang segment na “Guilty or Not Guilty.”
Photo courtesy: YouLOL (YouTube)
Ayon kay Luis, ang mga regalong hindi niya malilimutan ay ang natanggap na sapatos at mga gamit para sa basketball.
“Nagsimula 'yan no'ng medyo nakikilala na ako sa modeling. So, nagkakaroon tayo ng fans na napakabait at galante. So noong nag-birthday ako, ayan may mga pinadala.”
Sabi naman ni TBATS host Boobay, paraan ito nang pagpapakita ng fans ng suporta at paghanga sa aktor, at sinang-ayunan ito ni Luis.
Dagdag niya, “Oo kasi hindi rin naman basta-basta 'yung makatanggap ka ng admiration mula sa ibang tao na gano'n. Hindi naman lahat na… porket sinusuportahan ka e magbibigay [ng regalo].”
Para naman kay Saviour, marami na raw siyang natanggap na regalo mula sa mga beki at close siya sa mga ito.
“Madami nang nagregalo sa akin na beki and sa akin wala kasing issue kasi close ako sa beki e. May cousin akong beki, best friend ko siya so parang wala talagang something sa akin 'yon,” pagbahagi ng anak ng beteranong aktor na si Wendell Ramos.
Ibinahagi rin ng showbiz royalty sa interview segment na “May Pa-Presscon” na nais niyang makilala sa drama acting.
“More on acting po talaga like 'yung mga psychopath, 'yung mga gano'n na role. Lahat ng role na mahirap 'yon po 'yung gusto ko sana na maibigay sa akin,” sagot ni Saviour.
Inilahad naman ni Luis kung paano maging isang beteranong modelo at sinabi, “Ako dedication lang. Kahit saan naman parte tayo mapunta ng industriya, 'yung dedication, 'yung focus, 'yung hardwork, at saka remain humble.”
Nakatutuwa naman na nagsawa ng isang KMJS parody sina Boobay, Tekla, at Mema Squad tungkol sa imbestigasyon ng isang lalaking pumanaw (Tekla) na nanatiling nakabukas ang mga mata.
Bago pa man ang mga ito, isang tribute ang handog ng TBATS para sa yumaong komedyante na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay, at 'di napigilang maging emosyonal ng guest star na si Mygz Molino habang ginugunita ang komedyana.
Para sa mas maraming pang nakatutuwang kaganapan at non-stop kwentuhan, tutukan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:30 p.m. sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, muling kilalanin sina Luis Hontiveros at Saviour Ramos sa mga gallery na ito:
Luis Hontiveros
Saviour Ramos