
Revealed na kung sino ang nagbabalik na miyembro na noon ng Pamilya ni Kuya.
Inanunsyo sa mismong pinakahihintay na gabi ng muling pagbubukas ng iconic house ang pagbabalik ni Luis Manzano bilang isa sa hosts ng Pinoy Big Brother.
Nagsimula si Luis sa pagiging co-host at kalaunan ay isa na siya sa familiar faces ng palabas.
Ilan sa mga naging co-hosts niya noon ay sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, at ang kasalukuyan ding host ngayon na si Bianca Gonzalez.
Ilang beses na ring pumasok ng Bahay Ni Kuya si Luis ngunit hindi bilang regular housemate kundi bilang guest at minsan ay nakapagpadala ng special announcements ni Big Brother.
Samantala, ang co-hosts niya ngayon sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ay sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Gabbi Garcia, Melai Cantiveros-Francisco, Enchong Dee, Alexa Ilacad, at Mavy Legaspi.
Tumutok sa mga susunod na kaganapan sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat.
Huwag palampasin ang bawat twist at sorpresa sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
RELATED CONTENT: The Big ColLove Fancon