GMA Logo Alex Gonzaga, Mikee Morada, Luis Manzano
What's Hot

Luis Manzano to Alex Gonzaga: "Alam naman ni Mikee?"

By Aedrianne Acar
Published January 18, 2021 10:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Shai Gilgeous-Alexander drops 39 as Thunder hand Hawks 7th straight loss
Raps eyed vs group for blocking portion of road in Davao Oriental
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Alex Gonzaga, Mikee Morada, Luis Manzano


Funny guy Luis Manzano strikes again. This time, he pokes fun at his best friend Alex Gonzaga, who recently married her boyfriend Mikee Morada. Basahin ang kanyang pang-aasar, DITO:

Hindi na bago ang asaran at friendly banter nina Luis Manzano at celebrity vlogger na si Alex Gonzaga na ngayon ay kasal na sa kanyang politician boyfriend na si Mikee Morada.

Sa vlog ng nakababatang kapatid ng former Dabarkad na si Toni Gonzaga, ni-reveal nito na noong November 2020 pa naganap ang kanilang simple wedding.

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

At dahil likas ang pagiging alaskador ni Luis, humirit ito sa wedding picture nina Mr. and Mrs. Morada.

Makikita sa comments section na may patawang comment ito na, “Alam naman ni Mikee?”

Sinagot naman ni Alex ang post ni Luis na, “Kaya kita di naimbitahin e.”

Tuwang-tuwa ang mga netizen sa hirit na ito ng actor-host pa na rin ang celebrity mom na si Bianca Gonzalez.

Luis Manzanos funny comment about Alex Gonzagas wedding

Wedding details

Ipinagdiwang nina Alex at Mikee ang kanilang fourth anniversary as a couple noong October 2020.

Ayon sa mga ulat, naging tulay si Piolo Pascaul para magkakilala ang dalawa.

Matatandaan naman na naganap ang sweet proposal noong magbakasyon sila ni Alex sa Hong Kong noong January 17, 2020 at nangyari ito sa 1881 Heritage.

Sa kanyang vlog entry na “We're Married!” na inupload lamang noong January 16, 2021, dito idinetalye ni Alex ang dahilan kung bakit muna itinago nilang dalawa ang kanilang pagpapakasal.

“I am very, very sorry, netizens, if hindi ko na-i-share sa inyo agad ang nangyari. It's because we want to celebrate together as a family muna. Siyempre, alam namin 'yung timing din and alam namin na may pandemic so we just want to keep it for ourselves for a little a while to celebrate."

“This wedding is really for our parents kasi, siyempre, 'yung nangyayari ngayon it's very uncertain.

"Hindi natin alam kung kelan matatapos ang pandemic, siyempre, gusto namin to seal the deal na nandito kaming lahat nakaka-celebrate."

Bumuhos namang ang pagbati mula sa kapwa celebrities ni Alex tulad nina Liz Uy, Dianne Medina, at Alessandra de Rossi.

Celebrities congratulate Mr and Mrs Morada

Nagpaabot din ng pagbati si Toni Gonzaga at buong-puso ang pag-welcome nito sa kanyang brother-in-law.

Natutuwa din ang celebrity mom na may bagong tito na ang kanyang anak na si Seve.

“Congratulations Mikee and Cat! Seve has a new tito! Yey! Welcome to our family.”

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

Mas lalong kilalanin ang mister ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada na isang city councilor sa Lipa City, Batangas sa gallery below.