GMA Logo luis manzano
PHOTO COURTESY: ABS-CBN Entertainment (YouTube)
What's on TV

Luis Manzano, tutulungan ang 'It's Your Lucky Day' contestant na gustong magkapustiso

By Dianne Mariano
Published October 20, 2023 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Inang OFW na umuwi mula sa Hong Kong, umabot kaya sa recognition day ng anak?
LTFRB-10 heeds plea to implement taxi flag-down rate hike
Misamis Oriental welcomes Miss Universe Philippines delegates

Article Inside Page


Showbiz News

luis manzano


Tinulungan ng seasoned host na si Luis Manzano ang isang contestant sa pagbabayad ng ipagagawang pustiso nito.

Isang heartwarming moment ang nasaksihan sa episode ng It's Your Lucky Day kamakailan.

Sa “Cashinko” segment ng programa, napansin ng hosts na tila naging emosyonal ang isa sa mga contestant na si Emerson matapos makatanggap ng PhP5,000.

Nang tanungin ni Luis Manzano si Emerson kung bakit ito mangiyak-iyak, sinabi ng huli na mayroon na siyang ipangbabayad para sa kanyang pustiso.

Sinabi rin ng contestant na ito ay isa sa mga pangarap niya sa buhay.

Tanong ni Luis, “Kung saka-sakali man na magpapustiso ka, ano'ng gusto mo ba, magdadagdag ka lang sa gitna o gusto mo lahat gagawin mong bagang?”

“Lahat po. Lahat po sa taas lang po,” ani Emerson.

Sinabi naman ni Luis sa contestant na siya na ang magbabayad ng pustiso nito. Aniya, “Itago mo 'yan, ako magpapapustiso sa'yo.”

Nang dahil dito, naiyak sa pasasalamat si Emerson kay Luis dahil sa kabutihang loob nito.

Bukod dito, ikinuwento rin ni Emerson na walong taon na siyang walang pustiso dahil inuna niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

“Sa hirap po ng buhay, inuna ko po 'yung pamilya ko muna po,” wika niya.

Subaybayan ang It's Your Lucky Day, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GTV.

Panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.