
Magkakaroon ng special appearance si Kapuso actor Luke Conde sa Lolong na pinakamalaking primetime adventure series ng GMA ngayong taon.
Ibinahagi ni Luke Conde sa GMA Entertainment ang sayang nararamdaman sa natanggap na role sa Lolong.
"I'm also grateful kasi 'yung role na ibinigay sa akin though it is just a guesting medyo may malaking part siya roon sa story. I'm grateful na maganda 'yung mga linyahan, 'yung mga dialogue, and maganda 'yung scenes na mga gagawin namin," pagbabahagi ng aktor.
Mapapasabak din daw si Luke sa fight scenes kung saan kinailangan niya ring sumailalim sa training.
"Sa preparation more of du'n sa Arnis. Arnis 'yung gagawin naming fight scenes so iyon 'yung isa sa kailangan kong paghandaan," dagdag pa ni Luke.
Dahil sa pansamantalang nahinto ang taping, may mga eksena pang kukuhanan kay Luke sa susunod na lock-in taping ng serye.
Ilan sa makakasamang artista ni Luke sa Lolong ay sina Ruru Madrid, Christopher De Leon, Bembol Roco, Ian De Leon, Jean Garcia, Mikoy Morales, Paul Salas, Shaira Diaz, at Arra San Agustin.
Samanta, ibinahagi rin ng aktor ang mga nais pa niyang gawin bilang isang Kapuso.
Ayon kay Luke, kung mabibigyan ng pagkakataon, nais nitong bumida sa isang proyekto at maging isa ring host.
"Magkaroon ng starring role sa isang project and gusto ko ring magkaroong ng hosting job... like maging part ng isang project na I'll also do hosting," pagbabahagi ni Luke.
Tignan sa gallery na ito ang hottest photos ng bagong Kapuso hunk na si Luke Conde: