
Bago magsimula ang lock-in taping ng action-adventure series na Lolong sa isang resort sa Quezon province, puspusan na ang paghahandang ginagawa ng bida nitong si Ruru Madrid.
Pero pag-amin ni Ruru, iba pa rin ang pinagdadaanan niyang hirap mula noong magsimula sila ng taping upang mas lalo pang mapaganda ang kuwento ng Lolong.
Saad ni Ruru sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras, "I didn't expect na ganito siya kahirap. To be honest, this is the first time na na-feel ko 'yung ganun na after taping, talagang wala na, kailangan ko na lang itulog kasi sobrang pagod talaga."
Bukod sa pagod sa katawan, inamin ni Ruru na emotionally challenging din na gampanan ang kanyang karakter na si Lolong.
Pagpapatuloy ni Ruru, "'Yung mga scenes ko, most of the time, sobrang heavy drama, mabigat."
"And then after non, bigla akong lalangoy sa ilog. Lumalangoy ako dito na 30 feet 'yung lalim nung ilog so kailangan kong languyin 'yon, sasakay kay Dakila."
Si Dakila ang 22-foot animatronic at CGI crocodile na gagamitin ng Lolong.
"And then after noon, diretso ako fight scenes na hindi lang basta basta fight sccenes."
Kahit nahihirapan siyang gawin ang Lolong, malaki pa rin ang pasasalamat ni Ruru dahil sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya.
Pagtatapos niya, "I just want to ibalik sa GMA 'yung trust na binigay nila sa akin dito sa project na ito."
"Gusto kong patunay sa kanilang lahat na deserve ko 'tong role na 'to."
Makakasama ni Ruru sa Lolong sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, Ian de Leon, Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz, at Maui Taylor.
May special participation din sa serye sina Leandro Baldemor and Priscilla Almeda.
Balikan ang mga kaganapan sa nangyayaring lock-in taping ng Lolong dito: