GMA Logo Abi Marquez on Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Lumpia Queen Abi Marquez, magtatayo ba ng sariling restaurant?

By Kristian Eric Javier
Published August 6, 2025 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Abi Marquez on Fast Talk with Boy Abunda


Ang pagkakaroon na kaya ng restaurant ang next goal ni Lumpia Queen Abi Marquez?

Ibinahagi ni Abi Marquez, o mas kilala sa bansag na Lumpia Queen, ang kaniyang pangarap na makapagpatayo ng sariling restaurant balang araw.

Sa pagbisita niya, kasama ang kapwa content creators at Sanggang-Dikit FR co-stars na sina Tito Abdul at Tito Marsy sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, August 5, ikinuwento niya ang kagustuhan na magtayo ng sariling restaurant.

“Someday. But I will take my time figuring out my taste, my cuisine,” sagot nito.

Nakilala si Abi dahil sa kaniyang cooking videos sa TikTok at sa likod ng kaniyang tagumpay, kinilala at nagbigay pugay siya sa kaniyang team sa likod ng camera.

“To make videos as seamless as that, they really have to take a good, talented team behind it to make it kaya, ayan, we appreciate you, my team,” sabi ng food content creator.

Nang tanungin naman siya ni King of Talk Boy Abunda kung paano niya tinatanggap ang mga kritisismo, sinabi ni Abi na sinisimulan niya ito sa pagtanggap na ang pagkain ay isang personal na bagay sa iba't ibang tao.

“Lahat tayo may kinalakihan na kunyari, recipe ng adobo, so I've accepted that and really willing to listen to that,” aniya.

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA PROUD NA NAG-ARAL NG CULINARY SA GALLERY NA ITO:


Alam din daw ng food content creator na merong authentic at traditional na pagluluto ng Philippine cuisine. Ngunit pag-amin ni Abi, para mapanatiling buhay ang pagkaing Pinoy ay kailangan din itong i-develop.

“Keep it refreshing and add how to make it more accessible to the modern cook or modern consumers,” saad ni Abi.

Bukas din siya sa mga kritisismo at tinatanggap ang mga ito.

Ngunit para sa batikang host, gusto niya ang ginagawa ni Abi na pag-improve ng Philippine cuisine, “You've made your own very special way, Filipino cuisine, global. And you make us proud.”

Pinatunayan din ni Abi ang kaniyang galing sa pagluluto dahil nito lang May 2025, nanalo siya ng Best Food Blogger award mula sa prestihiyosong World Influencers and Bloggers Award (WIBA) 2025 sa Cannes, France.