GMA Logo Luv is Caught in His Arms
What's on TV

'Luv is: Caught in His Arms' earns more than 100 million views on TikTok

By Jimboy Napoles
Published February 1, 2023 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Luv is Caught in His Arms


Maraming salamat sa inyong milyong-milyon na LUV para sa 'Luv is: Caught in His Arms!'

Bukod sa consistent high TV ratings at social media engagements, record-breaking din ang online views ng bagong kilig series ng GMA na Luv is: Caught in His Arms.

Umabot na sa mahigit 100 million views ang #LuvIsCaughtInHisArms tampok ang episodes, trending scenes, at online challenge videos ng programa sa short-video streaming app na TikTok.

Sa katunayan, umabot na rin sa halos 2 million views ang video ng isang eksena sa second week ng naturang series kung saan nadiskubre na ni Florence (Sofia Pablo) ang secret hideout ni Nero (Allen Ansay) kung saan naroon ang kanyang mga alagang kalapati.

Dito rin natukoy ni Florence na baka ang binata ang nagpapadala sa kanya ng love messages gamit ang kalapati.

@gmanetwork OMG! Natuklasan na ni Florence kung sino ang nagpapadala ng messages of love from a dove! #LuvIsCaughtInHisArms #LuvIsTheKalapatiKing ♬ original sound - GMA Network

Matatandaan na tumabo rin ng magkakasunod na matataas na ratings ang bagong kilig series sa unang tatlong gabi sa pilot week nito sa GMA Telebabad.

Ang Luv is: Caught in His Arms ay ang first collaboration project ng GMA Network at ng Wattpad Webtoon Studios.

Ito ay ang TV series adaptation ng hit Wattpad novel na Caught in His Arms na first-ever primetime series din ng tinaguriang next generation leading lady at leading man na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Kiligin sa kuwento ng Luv is: Caught in His Arms, Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS SA GALLERY NA ITO: