
Isang linggo na lang at mapapanood na ang first-ever primetime series ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay na Luv is: Caught in His Arms na nakatakdang magsimulang umere sa January 16, 2023 sa GMA Telebabad.
Bukod sa excitement, aminadong pressured din ang dalawang young actor sa kanilang first tambalan sa primetime.
Sa panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi nina Sofia at Allen ang kanilang mga paghahanda at pinagdaanan para sa nasabing serye.
Ayon kay Sofia, malaking adjustment ang kanyang ginawa sa kanyang karakter bilang si Florence Almero dahil kinakailangan niyang matutong magluto.
“Ang pinaka-challenging talaga sa akin dito sa 'Caught in His Arms' ay 'yung pagluluto dahil hindi ako marunong magluto ni-hotdog hindi ko kayang prituhin kasi takot ako sa oil so 'yun ang unang sinabi ko, 'Direk paano po 'yun, hindi ako nakakapagluto takot ako sa mantika,' tapos sabi nila, 'Hala, paano 'yun halos lahat ng pagkain e, may mantika, anong lulutuin mo?' Sabi ko, 'Sige, ilalaban natin.' So eventually habang nagte-taping, nagulat po ako, kaya ko naman pala. So 'yun yung isa sa mga natutunan ko dito sa 'Luv is' na madadala ko dahil kaya ko na magluto,” kuwento ni Sofia.
Para naman kay Allen, ibang-iba sa mga nagdaan niyang karakter ang kanyang ginagampanang role bilang si Nero Ferell.
“Sobra ko talaga siyang pinaghandaan kasi kahit 'yung mga pronunciations sa English talagang nag-aral ako kasi may punto talaga ako sa pagsasalita kasi talagang pure Bicolano talaga ako almost magti-three years pa lang ako dito and doon talaga napasabak ako sa mga English. Tapos, nanood din ako ng mga YouTube videos kung paano kumilos 'yung mayaman, paano 'yung proper na gawa.”
Dagdag pa niya, “Napasabak din ako dito sa pagda-drive, pero hindi pa talaga ako nagda-drive a.”
Ang nasabing series ay ang TV series adaptation ng hit Wattpad novel ng Filipino author na si Ventrecanard na Caught in his Arms. Makakasama rito nina Sofia at Allen ang Sparkada heartthrobs na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.
Panoorin ang Luv is: Caught in His Arms goosebumps trailer DITO:
SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA SOFIA AND ALLEN SA GALLERY NA ITO: