
Kumpletong dumalo ang lead stars ng upcoming kilig series ng GMA na Luv Is: Caught In His Arms na sina Allen Ansay, Sofia Pablo at ilan sa Sparkada boys na sina Vince Maristela, Michael Sager, Sean Lucas, at Raheel Bhyria sa huling araw ng Manila International Book Fair kahapon, Linggo, September 18, 2022.
Sa nasabing event, dinagsa ang cast ng kanilang fans na matiyagang pumila upang makahingi ng autograph mula sa kanila dala ang iba't ibang memorabilya ng kanilang upcoming series.
Ang Luv Is: Caught In His Arms ay ang TV series adaptation ng Wattpad novel na "Caught In His Arms" na isinulat ng sikat na Filipino author na si Ventre Canard o Hope Monzanto.
Sa isang Instagram post, nagpasalamat naman ang bida ng series at Sparkle teen actress na si Sofia sa lahat ng kanilang fans na mainit na sumusuporta sa kanila.
"Thank you @wattpad and @manilabookfair for having us yesterday. We had so much fun. Thank you sa lahat ng mga ka Team Jolly, SofiaNatics, AllenNatics and to @hope_monzanto's Angels for coming. Thank you everyone for your overwhelming support . Hope y'all liked our poster and I hope our little sneak peek trailer made you feel the LUV," caption ni Sofia sa kanyang post.
Samantala, kasama rin sa nasabing series ang ilan pa sa Sparkada members na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos. Kaabang-abang din ang magiging karakter dito ng dating Artikulo 247 actress at TikTok girl na si Rain Matienzo.
Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.
SAMANTALA, SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: