GMA Logo Luv Is, Zephanie, VXON
What's on TV

'Luv Is' theme song ng 'Luv Is: Caught In His Arms,' napakinggan na sa 'All-Out Sundays'

By Jimboy Napoles
Published August 7, 2022 3:26 PM PHT
Updated August 8, 2022 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Luv Is, Zephanie, VXON


Ang bagong theme song na maghahatid ng kilig sa lahat, narito na!

Isang powerful collaboration performance kasama ang this generation's pop princess na si Zephanie, P-pop group na VXON, at cast ng Luv Is: Caught In His Arms ang napanood sa All-Out Sundays ngayong Linggo, August 7.

Ang nasabing performance ay ang music launch ng "Luv Is" na theme song ng bagong Kapuso kilig series na Luv Is: Caught In His Arms na isinulat at inawit ng rising all-Filipino boy group na VXON kasama ang Sparkle singer na si Zephanie.

Ang upcoming kilig series ay pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts at Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay kasama ang ilang Sparkada members na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi nina Zephanie at ng VXON ang saya na kanilang naramdaman nang malaman nila na sila ang napiling sumulat at mag-perform ng nasabing theme song ng isa sa mga much-anticipated series ng GMA ngayong taon.

Kuwento ni Zephanie, "[Nagulat] 'Yun po, ganito po talaga ang reaksyon namin kasi this is a really big blessing para po sa amin ng VXON and me."

Nagkuwento naman ang main vocalist ng VXON na si Franz Robin Chua Palapo o Franz tungkol sa kanilang naging songwriting process.

Aniya,"Being familiar po sa kuwento ng Wattpad series na Luv Is: Caught In His Arms ay hindi po naging mahirap na magsulat ng lyrics, kaya together with my co-members and Zephanie naging madali po 'yung process ng songwriting."

Nagpasalamat naman ang leader ng grupo na VXON na si Christian Brennen Saraos o C13 sa GMA dahil sa tiwala at oportunidad na ibinigay sa kanila na maging composer at singer ng theme song ng isang Kapuso series.

"Gusto lang din po naming pasalamatan ang GMA for trusting us para dito sa bagong series nila at para kami ang kumanta ng OST nila together with Zephanie," saad niya.

Marami pang sorpresa ang inihahanda para sa nasabing kilig series na tiyak magpapataba ng mga puso ng mga manonood.

Abangan ang Luv Is: Caught In His Arms malapit na sa GMA.

SAMANTALA, SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: