
Mas mahirap man ngayon ang mag-remote shoot sa morning show na Unang Hirit dahil sa COVID-19, masaya namang tinanggap ni Lyn Ching ang tinatawag nilang “new normal” set-up sa kanyang trabaho.
Ibinahagi ng Kapuso host sa kanyang Instagram Story ang kanilang remote location kung saan binisita nila ang isang gumagawa ng personal protective equipment (PPE).
Ito daw ang first time ni Lyn na mag-remote shoot para sa Unang Hirit habang may pandemic.
Sa Instagram post naman niya, pinuri ni Lyn ang lahat ng frontliners na nagtitiis na magsuot ng PPEs araw-araw dahil sa kanilang trabaho.
“Hats off to our frontliners.... always.”
'Unang Hirit' Lyn Ching looks back on her 25 years as a Kapuso