
Nakapagtala ang action-packed August 23 episode ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong ng pinakamataas ng rating ng serye to date.
Sa tala ng Nielsen Philippines, nagtamo ng 18.0 combined ratings mula sa GMA at GTV ang ika-37 episode ng Lolong. Mas mataas ito sa 9.7 combined ratings ng katapat ng programa mula sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel at CineMo.
Napanood sa episode na ito ang matinding bakbakan ng mga Atubaw at ng puwersa ni Armando Banson (Christopher de Leon) na lumusob sa Tinago.
May makapigil hininga ring underwater fight scene sa pagitan nina Lolong (Ruru Madrid) at Martin (Paul Salas).
Bumagsak naman ang lider ng mga Atubaw na si Diego (Vin Abrenica) sa kamay ni Armando.
Samantala, ang Lolong ang most-watched television program ng 2022 ayon sa tala ng Nielsen Philippines mula January 1 hanggang August 14.
Ayon din sa Nielsen Philippines, umani ang bawat episode nito mula August 15 hanggang August 19 ng mahigit 13 milyong manonood.
Patuloy na panoorin ang Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.