GMA Logo Macoy Dubs and Pipay
What's on TV

Macoy Dubs at Pipay, malaki ang nabago sa buhay nang maging content creators

By Aimee Anoc
Published May 14, 2025 6:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas in Kyiv choose their families and the lives they’ve built amid the war
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Macoy Dubs and Pipay


Magkano nga ba ang kinikita ni Macoy Dubs bilang isang content creator? At paano nabago ang buhay ni Pipay nang maging isang content creator? Alamin ang kanilang sagot dito

Agad na na-hot seat si Macoy Dubs sa unang katanungan ni Boy Abunda sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules, May 14.

Kasama ang kapwa social media star na si Pipay, sinagot ni Macoy ang tanong ni Boy Abunda kung milyon nga ba ang kinikita ng isang content creator kapag milyon din ang followers nito?

"Siguro sabihin natin may capacity to help others kapag content creator ka," sabi ni Macoy. "Before kasi sa opisina [ako]. Malaki rin ang difference ng kita."

Sumang-ayon si Macoy sa sabi ni Boy Abunda na "money is good" sa ganitong klaseng trabaho, pero kinakailangan ding paghirapan.

Tinanong naman ni Boy Abunda si Pipay kung paano nabago ang buhay nito bilang isang content creator.

Ani Pipay, "malala" ang naging pagbabago sa kanyang buhay simula nang maging isang content creator.

"Kasi like wala akong experience na any other job. Talagang college ako nu'ng nag-start 'to. Tapos talagang blessing siya ni universe na parang hindi ko siya hiniling pero dumating siya.

"Actually, wala po akong idea kung ano gagawin ko in the future. After college talagang sinabi ko, 'Ano kaya magiging work ko in the future?' Hindi naman ako matalino. Hindi naman malakas ang katawan ko.' Tapos bigla siyang dumating 'yung content creating and naiba 'yung nasa isip ko na mangyayari sa buhay ko," kuwento ni Pipay.

Kasalukuyang mayroong 2.6 million followers si Pipay sa TikTok at 1.8 million followers naman sa Facebook, habang si Macoy Dubs ay mayroong one million followers sa TikTok at 1.5 million followers naman sa Facebook.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILAN SA FUNNIEST SKITS NI MACOY DUBS SA GALLERY NA ITO: