GMA Logo Tanghalan ng Kampeon
What's on TV

Mag-audition na sa Tanghalan ng Kampeon Japan

By Maine Aquino
Published February 17, 2025 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Lakers star Luka Doncic out indefinitely due to hamstring injury —report
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Tanghalan ng Kampeon


Open for auditions na ang Tanghalan ng Kampeon Japan. Basahin ang kabuuang detalye:

Ngayong Pebrero, binuksan na ang auditions para sa Tanghalan ng Kampeon Japan.

Maaari nang sumali ang mga may pusong kampeon mula sa Japan para sa singing contest ng TiktoClock na "Tanghalan ng Kampeon 2025". Ang mga mapipiling kampeon sa Tanghalan ng Kampeon Japan ay makakapunta sa Pilipinas para maging grand finalist sa Tanghalan ng Kampeon 2025 sa TiktoClock.

Sa post ng Star Studio Japan, ibinahagi ang detalye ng gaganaping auditions sa February 14, 15, 16, 19, 20, 21, 26, 27, at 28 sa Aichiken Nagoyashi, Nakaku Sakae, 4-10-25 Sankei Sakae, East Biru .5F, Nagoya.

Ibinigay rin ng Star Studio Japan ang contact numbers at iba pang detalye para sa Tanghalan ng Kampeon Japan auditions.

Sali na sa Tanghalan ng Kampeon Japan para ipakita ang pangkampeon na talento sa Tanghalan ng Kampeon 2025 sa TiktoClock!