
Pinalaki at pinalawak ang laban sa Tanghalan ng Kampeon 2025 sa TiktoClock.
Sa darating na Lunes, January 20, mapapanood na muli ang laban ng mga Pilipinong may pusong kampeon sa TiktoClock.
Muli nating mapapanood bilang hosts sa Tanghalan ng Kampeon 2025 sina Kuya Kim Atienza at Pokwang. Samantala, magiging inampalan sa Tanghalan ng Kampeon 2025 sina Renz Verano, Daryl Ong, at Jessica Villarubin.
Para sa mga gustong sumali, mag-audition na sa Tanghalan ng Kampeon. Pumunta lamang sa GMA Network Studio 6, Wednesday and Thursday, 3:00 p.m. to 5:00 p.m. at hanapin si Rommel Bago.
Sa Tanghalan ng Kampeon 2025, may makakasali rin na mga contestants mula sa Japan. Ito ay matapos pirmahan ng GMA Network at Star Studio Japan ang franchise contract ng Tanghalan ng Kampeon.
RELATED GALLERY: GMA Network at Star Studio Japan, maghahanap ng kampeon sa Japan para sa 'Tanghalan ng Kampeon'
Para sa mga nais naman sumali sa Japan, bisitahin lamang ang official Facebook pages ng Star Studio Japan at TiktoClock para sa detalye ng online auditions and on-ground events ng Tanghalan ng Kampeon Japan.
Patuloy na tumutok sa TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang TiktoClock sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page.
SAMANTALA, NARITO ANG BEHIND THE SCENES NG TIKTOCLOCK PICTORIAL: