GMA Logo Wish Ko Lang
What's Hot

Mag-iinang inapi at sinaktan ng kapitbahay, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published October 10, 2022 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Six hotels earn France's prestigious 'palace' label
CCTV captures residents dumping trash in another barangay in Bacolod
Gabbi Garcia and her mom share make-up tips in local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Wish Ko Lang


Naghanda ng regalo ang 'Wish Ko Lang' para sa pamilya ni Janice na nakaranas ng pang-aapi mula sa kanilang kapitbahay.

Nasaksihan noong Sabado, October 8, sa "Away-Bata" episode ng Wish Ko Lang ang lumaking alitan nina Janice (Lauren Young) at Virna (Sunshine Cruz) na nagsimula sa simpleng away ng kanilang mga anak.

Simula pa lamang ay ayaw nang palapitin ni Virna ang anak na si Wilbert (Raphael Landicho) kina Ronnie (Euwenn Aleta) at Jenjen (Arhia Faye), mga anak ni Janice, dahil sa pag-aakalang inaakit nito ang asawa niyang si Felix (Rico Barrera).

Wish Ko Lang

Sa ngayon, napatawad na ni Janice si Virna mula sa pang-aapi nito sa kanilang mag-iina. Payo ni Janice para sa mga magulang na nakararanas din nito, "Natural lang po sa mga bata [ang napapaaway]. Habaan lang po ang pasensya."

At para matulungan si Janice sa pagbibigay ng magandang buhay sa kanyang mga anak, naghanda ng sorpresa ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Kasama sa negosyo packages ang gourmet sardines business, perfume business, beauty products business, at dishwashing products business.

May regalo namang school supplies at mga laruan ang programa para sa mga anak ni Janice na sina Ronnie at Jenjen. May kasama ring pocket wi-fi at brand new smartphone.

Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng programa para sa pamilya ni Janice.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: