What's on TV

Magandang Dilag: Gigi at Luisa, nasa panganib ang buhay

By Jansen Ramos
Published July 30, 2023 10:00 AM PHT
Updated July 30, 2023 10:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Hudson Williams, Tom Blyth sit front row together at Milan Fashion Week
Kapin 1.9 Million Deboto, Nisalmot sa Solemn Foot Procession | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

magandang dilag


Sa nakaraang linggo ng 'Magandang Dilag,' nag-aagaw buhay si Luisa matapos sunugin ang katawan niya ni Magnus.

Patindi nang patindi ang mga tagpo sa sinusubaybayang GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag.

Sa nakaraang episode ng soap opera, nagpapagaling sa ospital ang mag-inang Luisa (Sandy Andolong) at Gigi (Herlene Budol) matapos silang pagbubugbugin ng mga tauhan ni Magnus (Adrian Alandy).

Binaril at sinaksak sa tagiliran si Gigi, samantalang sinunog ang katawan ni Luisa.

Nais ni Magnus na mamatay na si Luisa dahil marami na itong nalalaman tungkol sa panloloko ni Jared (Rob Gomez) at ng Elite Squad sa anak nito.

Habang nasa ospital, nakita ni Gigi ang mga tauhan ni Magnus na lumapastangan sa kanila.

Takot na takot si Gigi at humingi ng tulong sa nurse para itakas sila ng kanyang ina sa ospital dahil may masamang plano sa kanila ang mga ito.

Patuloy na subaybayan ang Magandang Dilag mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pag GMA owned and operated online landforms.

KILALANIN ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG MAGANDANG DILAG DITO: