
May kanta ka bang gustong ialay sa isang espesyal na tao? O baka may hugot ka para sa iyong ex, TOTGA, o barkada?
Kung hindi kayang sabihin, baka puwedeng kantahin na lang!
Binibigyan ng All-Out Sundays ang viewers ng chance na maging bahagi ng kanilang AyOS Playlist sa pamamagitan ng pagpapasa ng kanilang favorite song requests, dedications, at mga mensahe.
Baka ang kantang matagal mo nang gustong ialay sa iyong forever, ang karaoke anthem ng inyong magkakaibigan, o ang awiting sakto sa pinagdaraanan mo ngayon ang susunod na maririnig sa AyOS stage!
Para makapag-request, pumunta lamang sa Facebook page ng All-Out Sundays at sundin ang format na ito:
1. Song request
2. Iyong pangalan at lungsod
3. Mensahe para sa pag-aalayan mo ng kanta
Kaya ano pang hinihintay mo? I-send na ang iyong song request at baka ang iyong Sunday playlist na ang marinig sa All-Out Sundays AyOS Playlist!
Mapapanood ang All-Out Sundays tuwing Linggo, 12 noon, sa GMA.
RELATED GALLERY: Julie Anne San Jose wows fans with dreamy Vietnam vacation snaps