
Kabilang ang real-life drama anthology na Magpakailanman sa mga pinarangalan sa Anak TV Seal Awards 2025.
Nakatanggap ang programa ng Anak TV Seal sa ilalim ng kategoryang telebisyon.
Ibig sabihin nito, kinikilala ng Anak TV na angkop para sa mga bata ang Magpakailanman.
Isa na naman itong milestone para sa serye na nagdiriwang ng ika-23 anibersaryo nito ngayong taon.
Katatapos lang special two-part anniversary episode nitong pinamagatang "Ang Babae sa Likod ng Krimen" at "Ang Babae sa Death Row."
Sina Mikee Quintos at Beauty Gonzalez ang bumida sa mga episodes na tungkol sa isang babaeng naging hired killer matapos pagsamantalahan ng kanyang sariling ama at kalaunan ay nakulong at napatawan ng death penalty.
Patuloy na panoorin ang Magpakailanman, every Saturday, 8:15 p.m. sa GMA.
Naka-livestream ito nang sabay sa Kapuso Stream.