
Panoorin nating ang kuwento ni Malen patungo sa kaniyang marahas, madugo, ngunit mapagpalayang hakbang mula sa karahasan.
Ayon sa ilang pag-aaral, isa sa bawat tatlong babae sa kasalukuyan ang dumadanas ng pangaabuso at pananakit mula sa mga kalalakihan, madalas ay sa kanilang mga asawa o sexual partners.
Isa si "Malen" sa milyun-milyong babaeng ito na dumanas ng iba't ibang uri ng pananakit mula sa kanyang asawa na si "Eric", kilalang sundalo sa kanilang lugar.
Noong una'y inakala ni Malen na si Eric ay isang anghel ngunit 'di naglao'y lumabas ang tunay nitong kulay.
Mula sa sekswal na pangaabuso, pisikal, at maging emosyal na pananakit ay naranasan ni Malen sa kanyang asawa.
Ngunit lahat ng ito'y tiniis ni Malen dahil kahit papaano'y umaasa ito na magbabago ang asawa at dahil na rin ayaw niyang mawalan ng ama ang kaniyang dalawang anak.
Ngunit sa paglipas ng panahon, lalong lumala ang pananakit sa kanya ni Eric.
Hanggang isang gabi, hindi na nakapagtimpi si Malen mula sa pananakit ng kanyang asawa.
Finally, ginawa ni Malen ang bagay na alam niyang matagal niya nang dapat ginawa.
Isang maling hakbang na patuloy niyang pinagbabayaran sa kasalukuyan.
Samahan natin si Malen ngayong Sabado - May 28, 2016 - sa Magpakailanman, patungo sa kaniyang marahas, madugo, ngunit mapagpalayang hakbang mula sa karahasan.
Atin ding saksihan ang kakaibang pagganap ni Max Collins bilang Malen kasama ang batikang aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes, DGPI, sa mahusay na panulat ni Agnes Gagelonia-Uligan at sa pananaliksik ni Jessie G. Villabrille.
Ang Magpkailanman ay mapapanood tuwing Sabado pagkatapos ng Lip Sync Battle Philippines.