
Ngayong Sabado, Sama-sama nating panoorin ang totoong kwento ng magkapatid na Raymond at Randy. Isang kakaibang kwento ng mag-kapatid na mortal na mag kaaway.
Pangkaraniwan sa magkakapatid ang tinatawag na "sibling rivalry" o ang hindi pagkakasundo... Paano kung ang hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid ay humahantong na sa sakitan? Pero paano kung ang iyong kapatid, na iyong kaaway ay makita mong binubugbog ng ibang tao!?
Ngayong Sabado, Sama-sama nating panoorin ang totoong kwento ng magkapatid na Raymond at Randy. Isang kakaibang kwento ng mag-kapatid na mortal na mag kaaway.
Laking probinsya sina Raymond at Randy. Bata pa lang sila hindi na sila magkasundo... Magkaiba kasi ang ugali nilang dalawa.
Si Raymond daw ang bad boy sa kanilang magkapatid samantalaang si Randy ay tahimik lang at masipag mag-aral. High school na sina Randy pero si Raymond naman ay huminto na sa pag-aaral.
Sa mga panahong ito ay palagi ng nasa barkada at puro inom ang inaatupag ni Raymond habang si Rainier naman ay nakasubsob sa pag-aaral.
Isang araw ay napagtripan ng mga dayuhan si Randy. Nakita ni Raymond ang kapatid na nakahandusay sa lupa at patuloy na ginugulpi ng mga kalalakihan. Magbago kaya ang pagtitinginan ng magkapatid dahil sa sitwasyon na ito? Paiiralin mo pa din ba ang galit mo sa iyong kapatid?!
Ngayong Sabado, November 26, 2016, tunghayan natin sa Magpakailanman ang "Kadugo, Kaaway, Kakampi."
Itinatampok sina Dion Ignacio bilang Raymond, Derrick Monasterio bilang Randy, Isay Alvarez bilang Remy, Richard Quan bilang Ben, Mel Kimura bilang Aling Nita, Lindsay De Vera bilang Eden Jay Arcilla bilang Kokoy, Brent Valdez bilang Michael, Dectrix Ponce bilang young Randy at Julius Erasga as young Raymond.
Sa ilalim ng mahusay na dikesyon ni L.A. Madridejos, mula sa panulat ni Michiko Yamamoto ,at pananaliksik ni Stanley Bryce Pabilona.