What's on TV

Magpakailanman presents "Kambal na Lihim"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 10, 2020 12:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balikatan Exercise: PH, US forces train vs drones
Extreme heat kills fish in Davao City fishpond
Here's how much tickets cost for 5 Seconds of Summer's concert in Manila

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang mas mahalaga sa isang tao: ang kaniyang pag-ibig, o ang kaniyang pamilya?

Ano ang mas mahalaga sa isang tao: ang kaniyang pag-ibig, o ang kaniyang pamilya?

Buong buhay nina Aleli at Ayani ay kasama nila ang isa’t-isa. Kung ano ang mayroon ang isa, ay siya ring makukuha ng isa. Ito ang buhay kambal. Pero dumarating rin ang panahon kung saan magkakaiba na ang kanilang mga kapalaran.

Ang isa ay ikakasal, magkakaanak; samantalang, ang isa ay mananatiling dalaga.

Dahil sa kanilang pagiging magkakambal, gagawa ng paraan ang una para makahanap na rin ang kaniyang kapatid ng mamahalin... ng sariling pamilya, na kaniya namang magagawa.

Pero paano kung malaman nila na ang bagong pasok sa kanilang mga buhay ay siyang sisira sa kanilang pagsasama bilang magkapatid?

Ngayong nakahanap na ang huling kambal ng sariling iibigin, magagawa ba niya itong pakawalan pa? Sino ang mas pipiliin niya: ang kambal na naging kahati niya sa lahat... o ang lalaking kaniya lang?

“Kambal na Lihim” features Glaiza de Castro sa kaniyang dual role bilang ang kambal na sina Aleli at Ayani; itinatampok rin sina Irma Adlawan, Mike Tan, at Metro Manila Film Festival 2013 Best Supporting Actor Pen Medina, sa ilalim ng masusing direksyon ni Argel Joseph.

Magpakailanman airs Saturday nights after Vampire Ang Daddy Ko.