What's on TV

Magpakailanman presents "Sa Ngalan ng Anak: The Cerbito Family Story"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 10:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together
OCD warns residents near Mayon Volcano about possible pyroclastic fall, ashfall
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News



Sina Mark Anthony Fernandez at Chynna Ortaleza, susubukan maging mga magulang sa isang batang may leukemia ngayong Sabado.


Sina Mark Anthony Fernandez at Chynna Ortaleza, susubukan maging mga magulang sa isang batang may leukemia ngayong Sabado.

Ang dalawa sa pinaka-trusted artists ng Kapuso Network ang magtatambal for the first time sa isang emotional episode na talagang aantig sa puso ng mga manunuod.

Isasabuhay nila Mark Anthony at Chynna ang mga buhay ng mag-asawang Randy at Nora Cerbito; mag-asawang naghirap para magka-anak, para lang malaman na may leukemia ito!

Kilala sa pagganap bilang matatapang na characters, tunghayan ngayong Sabado ang mga naiibang performances nina Mark Anthony at Chynna as they bring to life the roles na hindi nila madalas matanggap.

Hindi naging madali ang love story nina Randy at Nora Cerbito. Marami ang humadlang sa pagsasama nila, pero patuloy nilang ipinaglaban ang kanilang pag-iibigan.

At kahit na maraming nagsasabing hindi sila magtatagal ay naging matatag ang pagmamahalan nila— hanggang sa mabiyayaan sila ng anak matapos ng matagal na paghihintay.

Ngunit hindi nagtagal ay nalaman nilang may karamdaman ang anak nilang si Erielle! May leukemia ang bata! Sakit na maari ngang magamot, pero mangangailangan ng malaking halaga!

Para mapagaling ang anak, gagawin nila Randy at Nora ang lahat ng kinakailangan—pero sa anong kabayaran?

Sa kanilang pagtutok sa anak, may iba ba silang mapababayaan? At sa lahat ng kanilang sakripisyong gagawin, magagawa ba nilang mailigtas ang kanilang anak?

Tumutok ngayong darating na Sabado sa Magpakailanman para malaman kung ano ang kahahantungan ng laban ng mag-asawang Randy at Nora Cerbito. Magtatagumpay ba sila laban sa sakit ng kanilang anak?

Alamin sa kuwentong aming pinamagatang “Sa Ngalan ng Anak: The Cerbito Family Story.” Itinatampok rin sa episode na ito sina Barbara Miguel, Bodjie Pascua, at Ms. Chanda Romero; sa ilalim ng mabusising direksyon ni Joel Lamangan, dgpi, at sa panulat ni Senedy H. Que, mula sa pananaliksik ni Cynthia delos Santos.

Magpakailanman airs this Saturday, January 31, pagkatapos ng Pepito Manaloto.