
Ngayong Sabado sa Magpakailanman, sama sama nating tunghayan ang kwento ng buhay at pag ibig at pakikipagsapalaran ng “Sundalong Magiting: The Lt. Jerome Jacuba Story.”
2012 nang ma-assign ang unit nina Jerome sa Calinog, Iloilo. Private First Class pa lang ang ranggo niya noon. He was already 25 years old. According to Jerome, ever since naging sundalo siya, personal goal/wish niya sa Panginoon na sana at the age of 25 ay makapag asawa na siya at magkaanak. Para sa kanya, walang kasiguruhan ang buhay ng isang sundalo kaya on a personal level, hoping siya na dapat ay magkaanak na agad siya at magka-asawa.
Tyempo namang nalaman ito ni Pastor Joel at ibinigay ang number ng kaibigan nitong teacher na si Rachel. He also showed Jerome the picture of Rachel at agad agad ay smitten si Jerome sa kagandahan ng babae. Inabot pa nang ilang araw bago siya nagkalakas loob na tawagan ito, subalit his voice didn’t gave a good impression kay Rachel dahil tunog matanda umano ito. Pero dahil sa masugid at mabait na kausap si Jerome ay nagka mabutihan sila. Swerte rin ni Jerome na childhood dream pala ni Rachel na makapangasawa ng isang Man in Uniform. After 3 months of being text and call mates ay nag desisyon silang magkita. From there, everything was whirlwind dahil hindi na pinatagal ni Jerome ang lahat. Agad siyang nagtapat at ni-reciprocate naman ito ni Rachel. In a few months time ay nagpakasal sila. In a span of 4 years ay naganap lahat ang mga plano ni Jerome. The Lord gave him the woman of his dreams at ipinanganak na rin ang kanilang panganay at pangalawang anak.
But everything is all bound to change when Jerome received an order and was assigned in Maguindanao in 2015. On one fateful day, Jerome and Rachel’s lives changed forever ng masabugan ng IED (improvised explosive device) si Jerome habang tinutugis nila ang myembro ng BIFF (Bangsamoro Islamic Freedom Fighters).
Mabubulag on the spot ang kanyang kanang mata habang pagkatapos ng ilang araw ay mabubulag na rin ng tuluyan ang kanyang kaliwang mata. Jerome spent the next 3 months sa hospital na lungkot na lungkot. He was in denial na mawawalan na siya ng paningin. Rachel said na he would spent most of each day just trying to sleep kasi gusto raw ni Jerome na nananaginip dahil sa panaginip ay nakakakita siya. Nakikita pa rin umano niya sa panaginip ang mukha ng mga bata at ni Rachel.
Last month, President Duterte made a surprise visit at the AFP Medical Center in V. Luna road, QC. He was the only blind patient at that time kaya nung inipon sila sa isang lugar/kwarto where all wounded in battle soldiers would meet and greet the President, inilagay siya ng mga nurses sa unahan. Kaya when the president entered their room/ward, iprinisinta si Jerome sa Pangulo. The President shook his hand, nagpilit tumayo si Jerome at nagpakilala at sumaludo sa Presidente. The President hugged him and told him na salamat sa serbisyo niya sa bayan. Their meeting was publicized kaya inimbitahan siya ng Pangulo sa Malacañang to represent the wounded soldiers na nasa V. Luna in one of the official functions during the National Heroes Day.
Ngayong Sabado sa Magpakailanman, sama sama nating tunghayan ang kwento ng buhay at pag ibig at pakikipagsapalaran ng “Sundalong Magiting: The Lt. Jerome Jacuba Story.”
Sa natatanging pagganap nina PANCHO MAGNO as 2Lt. Jerome Jacuba, MAX COLLINS as Rachel, JESTONI ALARCON as Sgt. Garcia, NANETTE INVENTOR as Lola Boding, MYMY DAVAO as Tiya Criselda, PHYTOS RAMIREZ as PFC Lorenzo, DAVID LICAUCO as Corporal Cañega.
Sa Direksyon ni RICKY DAVAO, sa panulat ni SENEDY QUE at sa pananaliksik ni RODNEY JUNIO.