
Pasabog talaga ang 15th anniversary celebration ng fun noontime program na It's Showtime!
Bilang bahagi ng kanilang espesyal na selebrasyon, sinimulan na ng dalawang team ang pinakahinihintay nilang performances sa Magpasikat 2024.
Nitong Lunes (October 21), inumpisahan ng Team Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang ang engrandeng selebrasyon ngayong linggo. Dahil sa kanilang madamdamin at punong-puno ng sorpresa na performance, umabot ang programa sa top trending list sa X (dating Twitter) at pinag-usapan sa iba't ibang social media platforms.
Ngayon namang Martes, nagpakita ng buwis-buhay na performances ang Team Ogie, Kim, MC, at Lassy. Maraming madlang Kapuso ang namangha sa kanilang performance na pinaghalo ang musika, emosyon, at stunts.
Unang lumabas sa stage ang OPM singer na si Ogie Alcasid, na inawit ang kanyang nakakaantig at self-composed song tungkol sa pagkakaroon ng duda sa sarili. Napatutok ang madlang people sa stage nang biglang umangat at umikot ang platform ni Ogie kasama ang kanyang tinutugtog na piano.
Sumunod ang madamdaming performance nina MC at Lassy. Maliban sa kanilang dramatikong acting, namangha rin ang madlang Kapuso nang naglambitin ang dalawa sa isang malaking cube prop.
Pumukaw sa atensyon ng netizens si Kim Chiu sa kanyang buwis-buhay na performance. Level up ang kanyang stunts dahil nag-trapeze siya sa ibabaw mismo ng audience, na nagdulot ng sobrang kaba sa madlang tao. Kasabay ng kanyang performance ang malakasang pagkanta ng Filipina singer at guest performer na si Morissette.
Nagtapos ang performance ng team sa isang munting paalala: sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, mahalagang tumigil, huminga, at kumalma.
"You guys are awesome," pinuri ni Amy Perez.
"Maganda ang tema, malinis, nakakatuwa, at pinakamahalaga ay safe kayong lahat na nakatapos (ng performance)," sabi ni Vice Ganda.
Maliban sa host, dumagsa rin ang positibong feedback tungkol sa kanilang performance online. Patuloy na nag-trending ang hashtag na #ShowtimeMagpasikat2024 at umabot sa top trending list ang #Magpasikat2024OgieKimMCLassy, #KimChiu, at ang salitang "Kimmy."
Dahil sa sobrang paghanga ng netizens, marami ang nag-post sa iba't ibang social media platforms tungkol sa kanilang reaksyon sa performance ng grupo. Pati na ang ka-love team ni Kim Chiu na si Paulo Avelino, nag-post na nanonood siya ng It's Showtime.
waaahhhhh another makurot sa puso from sir @ogiealcasid, buwis buhay @prinsesachinita, MC & Lassy 🥺👏💕Kapag PAGOD na tayo TIGIL, HINGA, KALMA 💪#Magpasikat2024OgieKimMCLassy #ItsShowtime #Magpasikat2024 pic.twitter.com/D3POGym6UV
-- emjhay23 (@iammariajolina) October 22, 2024
Today's group performance really struck a chord. Damang dama ko ngayon yun. Yung pipilitin mo na paniwalain yung sarili mong okay ka. But deep down inside, you're not.
-- Geron (@MusicgeekGeron) October 22, 2024
Pero kasi life waits for nobody. No matter how tired and broken you are 😭#Magpasikat2024OgieKimMCLassy
Susunod naman bukas (October 23) ang “Magpasikat” performance ng team nina Vhong Navarro, Amy Perez, Darren Espanto, at Ion Perez.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG 'IT'S SHOWTIME' SA GALLERY NA ITO.