
Punong-puno ng emosyon ang performance ng team nina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang sa pagsisimula ng “Magpasikat 2024” ng It's Showtime.
Ngayong Lunes (October 21), ang performance ng nasabing team ay tumatalakay sa pag-asa.
Unang nag-perform si Karylle at inawit niya ang isinulat niyang kanta para sa yumaong ama na si Dr. Modesto Tatlonghari. Nakasuot pa ang singer-host ng mala-anghel na costume habang nagpe-perform sa stage.
Matapos ito, isang nakakaantig na performance ang hatid ni Ryan na dedicated para sa kanyang magulang sa Korea.
Sumunod naman kay Ryan ay ang performance ng Unkabogable Star na si Vice Ganda. Ipinakita ng seasoned host at comedian ang interpretative dance, na nagpapakita ng mga hamon na kanyang pinagdaanan sa loob ng 15 na taon ng It's Showtime.
Matapos ang kanilang individual performances, napanood ang iba't ibang special guests sa performance ng Team Vice, Karylle, at Ryan tulad ng P-pop boy band na SB19, Two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, actress Awra Briguela, at iba pa.
Tampok din dito ang kuwento ng pag-asa ng iba't ibang ordinaryong tao.
Ipinaliwanag din ni Vice Ganda kung paano nila naisip ang kanilang konsepto.
“15th year is a milestone. Who would've ever thought na mag-15 years tayo, 'di ba. Sa panahong ito, ano pa ba 'yung dapat nating binibigay? Bukod sa we want to make the madlang people happy, basic na sa atin 'yon.
"Para sa puntong ito, 'yung tina-try nating ibigay 'yung something that has eternal value, 'yung mas may kabuluhan na siya. Dahil sa gulo ng paligid, kailangan natin makakuha ng kabuluhan. So ano ba ang kailangan natin? 'Yung hope ang kailangan natin araw-araw,” pagbabahagi niya.
Agad naman naging trending topic ang #Magpasikat2024ViceKarylleRyan sa X (formerly Twitter) ang at marami ang humanga sa kanilang touching performance.
There's always a deep meaning in every seconds of their performance, the way how they show how cruel the world is, how hard the life is. Plus the originality of Karylle's song is really giving! What a great beginning of Magpasikat! #Magpasikat2024ViceKarylleRyan pic.twitter.com/g9rVSEI7xv
-- autricé (@bonjourVICEY2) October 21, 2024
This part 😭 grabe more than the performance itself na pinag handaan talaga nila, it's the message they want to convey 🥹#Magpasikat2024 #Magpasikat2024ViceKarylleRyan
-- PAU ✨ (@pauloovvee) October 21, 2024
pic.twitter.com/ZVJuAyWcl6
this part of Vice, Karylle & Ryan performance is so heart warming 🥹 as a daughter na ofw rin ang mother i'm too soft for this 🥹 then the choice of song aaaaa Liham you always have my heart. #Magpasikat2024ViceKarylleRyan #ShowtimeMagpasikat2024 pic.twitter.com/S0LB8vad5x
-- wonujah (@krishaaamarieee) October 21, 2024
Ang ganda ng performance @itsShowtimeNa @vicegandako@anakarylle @ryanbang 😭😭#Magpasikat2024ViceKarylleRyan #ShowtimeMagpasikat2024 pic.twitter.com/dYFJ65KqbR
-- MaryJoyEncarnacion (@MaryJoyEnca___) October 21, 2024
hindi masamang mapagod mangarap, ang masama ang bumitaw.
-- nads (@benignostuy) October 21, 2024
this performance reminds us na kahit gaano katindi ang bagyong hinarap, patuloy ka lang humawak sa paniniwalang may darating na mas mabuting bukas.
proud of u, @vicegandako 🥺💕#Magpasikat2024ViceKarylleRyan pic.twitter.com/xquewLpTdQ
Samantala, abangan bukas (October 22) ang “Magpasikat” performance ng team nina Ogie Alcasid, Kim Chiu, MC, at Lassy.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG IT'S SHOWTIME SA GALLERY NA ITO.