What's Hot

Maine Mendoza, bakit hindi natatakot na mawala ang kanyang kasikatan?

By CHERRY SUN 
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



"Kung mawala man ‘to, okay na si Menggay." - Maine on her fame
 


Sa naganap na press conference ng Imagine You & Me ay nagbigay ng pahayag si Maine Mendoza tungkol sa kanyang kasikatan. Aniya, hindi raw siya na-o-offend sa mga nagsasabing hindi siya sisikat kung wala ang katambal na si Alden Richards at hindi rin siya natatakot na mawala ang kanyang popularidad.
 
Paliwanag ni Maine, “Kasi po ang main purpose ko naman po kaya ko ito ginagawa, para magpasaya po ng tao, na makita ko po silang masaya and na-i-inspire ko po sila. So ginagawa ko lang po talaga ‘yung gusto kong gawin, ‘yung pangarap ko, kung ano po nakakapagpasaya sa akin at sa ibang tao.”
 
Masayang-masaya raw ang aktres sa itinatakbo ng kanyang career na nagsimula lamang noong nakaraang taon.
 
“Fulfilled na po ako, narating ko na po ‘yung pangarap ko so ngayon po, ine-enjoy ko nalang po ‘yung kung ano po dinaranas ko ngayon. ‘Yun po, kaya kung mawala man ‘to, okay na si Menggay. Masaya na si Menggay,” sambit ni Maine.
 
“One thing’s for sure, fulfilled na po ako. Na-reach ko na po ‘yung pangarap ko, masaya na po ako,” bigay-diin niya.
 
MORE ON MAINE MENDOZA:
 
LOOK: Maine Mendoza with the family of Alden Richards
 
READ: Maine Mendoza, “hugot na hugot” daw sa pagsulat ng Imagine You & Me theme song