EXCLUSIVES

READ: Maine Mendoza, "hugot na hugot" daw nang isinulat ang 'Imagine You & Me' theme song

By CHERRY SUN
Published On: July 10, 2016, 11:43 AM

Umamin si Maine na naging emotional siya sa pagsulat at pagkanta ng theme song ng movie nila ni Alden Richards na Imagine You & Me.

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Naging emotional si Maine Mendoza sa pagsulat at pagkanta ng theme song ng kanyang pelikula kasama si Alden Richards na Imagine You & Me.

Matapos mabasa ng unang beses ang script para sa AlDub movie ay sinimulan na daw ni Maine ang pagsulat ng lyrics nito. Sa loob daw ng 15 minuto ay natapos na rin niya ang kanta.

“Fresh pa po ‘yung feelings sa akin, fresh pa po ‘yung emotions. Damang dama ko pa po so habang fresh pa po sa akin, ginawa ko, doon ko na po sinulat ‘yung kanta po para talagang madama din ng tao kapag napakinggan nila,” pahayag ng aktres.

Sambit pa ni Maine ay hugot na hugot daw siya habang sinusulat ito.

“Siguro nakaka-relate din po kami ni Alden sa story ni Gara and Andrew in a way kaya siguro naging free-flowing lang po ‘yung words. Parang tuloy-tuloy lang pong lumalabas sa akin ‘yung thoughts and feelings po kaya I think madali lang po ‘yung pagsulat nung kanta para sa akin. Tsaka hindi ko po siya as in ginamitan ng utak, parang puro puso po, damdamin. Hinayaan ko lang po na ang aking mga daliri na i-type ang tamang salita para sa kanta po,” aniya.

READ: Alden Richards at Maine Mendoza, paano nakaka-relate kina Andrew at Gara ng Imagine You & Me? 

Parehong unang pagkakataon para kina Maine at Alden na maging bahagi ng theme song ng kanilang pelikula.

“Maganda na po ‘yung poem as it is tapos nung nalagyan po siya ng kanta, hindi ko po inexpect na magiging ganun kaganda ‘yung recall nung song and bagay na bagay po siya sa pelikula,” wika ng Pambansang Bae tungkol sa isinulat ng kanyang katambal.

“Masaya po ako na parang kahit papano na nakapagsulat si Maine ng isang poem na kahit papano po may kinalaman ako doon. Masaya po ako to be part of the poem. Syempre po feeling great din ang nakaka-inspire pa pong magtrabaho kapag ‘yung may mga ganyang klaseng consuelo,” dagdag din niya.

MORE ON IMAGINE YOU & ME:

LOOK: Imagine You & Me, top 3 songs sa iTunes PH sa unang araw ng release 

'Imagine You & Me' soundtrack, available for download and streaming

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->