
Walang masamang tinapay para sa host-actress na si Maine Mendoza para sa bagong sitcom na Open 24/7 na papalit sa programang Daddy's Gurl na nagpasaya sa maraming manonood sa loob ng apat na taon.
Nakasama ni Maine sa Daddy's Gurl ang batikang comedian-host na si Vic Sotto na isa rin sa bibida sa Open 24/7 kasama naman si Maja Salvador.
Sa pamamagitan ng isang mensahe, ipinaabot ni Maine ang kaniyang buong suporta para sa kaniyang kaibigan na si Maja.
Aniya, “You deserve all the blessings you receive because you are one of the most hardworking people I know. Congratulations, Sez! Enjoy Tuesdays with Bossing.”
Matatandaan na nabuo ang friendship nina Maine at Maja nang maging host ang huli sa longest-running noontime show na Eat Bulaga kung saan nabuo nila ang grupong '4M' kasama sina Miles Ocampo at MJ Lastimosa.
Sa isang Instagram post kamakailan idinaan ni Maine ang kaniyang farewell message para sa mga bumubuo ng Daddy's Gurl.
Samantala, makakasama rin nina Bossing Vic at Maja sa Open 24/7 sina Jose Manalo, Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, at iba pang Sparkle stars na sina Riel Lomadilla, Anjay Anson, Abed Green, Kimson Tan, at Bruce Roeland.
SILIPIN NAMAN ANG HOTTEST PHOTOS NI MAINE MENDOZA SA GALLERY NA ITO: