What's Hot

Maine Mendoza, pinarangalan ng German Moreno Youth Achievement Award sa 2017 FAMAS Awards

By Marah Ruiz
Published December 29, 2017 11:46 AM PHT
Updated December 29, 2017 12:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News



Isang karangalan na naman ang natanggap ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza.

Isang karangalan na naman ang natanggap ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza.

Pinarangalan kasi siya ng German Moreno Youth Achievement Award sa katatapos lang na 2017 FAMAS Awards.

Ibinibigay ang award na ito sa isang pares ng aktor at aktres na nakitaan ng malaking potensiyal sa pag-arte partikular na sa mga pelikula. 

Dahil nagbabakasyon pa si Maine sa Amerika kasama ang kanyang pamilya, ang manager niyang si Rams David ang tumanggap ng Award.

"Maraming salamat sa FAMAS at sa Pamilya Moreno @freddiemoreno12 para sa parangal na ito para Kay @mainedcm," sulat niya sa kanyang Instagram account. 

 

Maraming salamat sa FAMAS at sa Pamilya Moreno @freddiemoreno12 para sa parangal na ito para Kay @mainedcm #germanmorenoyouthachievementaward

A post shared by Rams David (@ramsdavid86) on

 

Bukod kay Maine, natanggap din ni Kapuso cutie Ivan Dorschner ang parehong award. Pinarangalan din si Kapuso Primetime King DIngdong Dantes ng FPJ Memorial Award, habang nakuha naman ni actor-director Ricky Davao ang Best Supporting Actor para sa pelikulang Iadya Mo Kami. 

Ang FAMAS Awards ay taunang parangal kung saan pinaparangalan ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences ang mga makabuluhang kontribusyon sa pelikulang Filipino.