GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Mainit na tapatan ng sexy club DJs at controversial actor na si Ron Angeles kasama ang hunky models, abangan sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 20, 2026 3:18 PM PHT
Updated July 20, 2026 4:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tropical Storm Bertha forms off the Alabama coast in US
Indie pop rock band Hingalima channels emotions into music
Beyond the label: Why the future of Filipino fashion begins with purpose

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Abangan ang Beauty & Beats at Hunky & Sporty ngayong July 20 sa 'Family Feud.'

Dalawang grupo na parehong may dating, talento, at matinding charisma ang maghaharap sa Family Feud ngayong Lunes!

Ngayong July 20, maglalaro sa Beauty & Beats ang grupo ng mga talented at gorgeous female DJs. Pangungunahan ito ni DJ Roxie (Phoebe Go), isang radio DJ na mahilig ding magluto, maglaro ng billiards, at manood ng movies. Makakasama niya si DJ Sharlyn (Sharlyn Dizon), isang Pampanga-based club DJ at model na kilala sa pagpe-perform sa iba't ibang events, festivals, at corporate shows.

Kasama rin sa team si DJ Sandra (Sandra Gruta), isang club DJ at model na bukod sa musika ay hilig din ang cooking, boxing, at Muay Thai. Kumukumpleto sa grupo si DJ Chacha (Charisse Tañedo), isang touring DJ mula sa Pangasinan na mahilig mag-travel at maglaro ng pickleball.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Samantala, makakatapat nila ang Team Hunky & Sporty ng mga personalidad mula sa modeling, entertainment, at DJ scene. Pangungunahan ang grupo ni actor-model Ron Angeles na napanood sa afternoon drama na Apoy sa Dugo. Kasama rin niya si content creator Vien del Rosario na mahilig sa basketball at tennis.

Kasama rin sa kanilang team si BA De Guzman, isang club DJ mula Nueva Ecija na mahilig sa running at traveling, at si Vincent Jarina, isang club DJ at model mula Cadiz City, Negros Occidental, na fan din ng basketball at tennis.

Sino kaya ang mananaig sa survey board? Abangan ang fresh episode ng Family Feud ngayong July 20, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.