GMA Logo Barbie Forteza and Jean Garcia in Stairway To Heaven
What's on TV

Maita, ang kontrabidang stepmother ni Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos
Published May 21, 2020 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos declares 6 more local holidays for June 2026
76-anyos nga lalaki, patay human nasunog ang iyang panimay sa Negros Oriental | Balitang Bisdak
Restaurant chain strengthens Philippine footprint through continued expansion

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza and Jean Garcia in Stairway To Heaven


Hanggang kailan kayang tiisin ni Jodi ang pagmamalupit ni Maita?

Sa ikatlong episode ng Stairway To Heaven, gagawin ni Maita (Jean Garcia) ang lahat para masira ang relasyon nina Jodi (Barbie Forteza) at Cholo (Joshua Dionisio) para sa pansariling kapakanan.

Sinabotahe niya at ng kanyang anak na si Eunice (Joana Marie Tan) ang date ng magkakabata.

Nagsinungaling pa si Eunice na may sakit si Jodi kaya nagpumilit si Cholo na bisitahin ito sa kanilang bahay.

Noong nakarating na sila roon, hindi nakita ng huli ang kanyang kaibigan dahil ikinulong ito ni Maita sa bodega.

Hanggang kailan kaya titiisin ni Jodi ang magmamalupit ng kanyang stepmother?

Balikan ang mga eksenang 'yan dito:




Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.