GMA Logo Maja Salvador Rambo Nuñez
What's on TV

Maja Salvador, binigyan ng 'second chance' ang ex, na ngayon ay fiance niya na, si Rambo Nuñez!

By Jimboy Napoles
Published May 22, 2023 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD, DTI-BOI in talks for possible corporate income tax exemption on economic housing
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Maja Salvador Rambo Nuñez


Maja Salvador sa pagbabalikan nila ni Rambo Nuñez: “Ito 'yung second chance namin ulit para sa forever na.”

Lingid sa kaalaman ng publiko, minsan nang naghiwalay noon sina Maja Salvador at ang fiance niya na ngayon na si Rambo Nuñez.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ni Maja kung bakit sila naghiwalay noon ni Rambo at ang kuwento ng naging second chance nila.

“Noong unang naging kami kailangan kong i-sacrifice 'yung relationship namin para sa family ko at para sa career ko pero siya sigurado sa akin e,” ani Maja.

Kuwento pa niya, “Sinabi niya kay Mama na, if may pera lang siya, if kaya niya na akong buhayin, papatigilin niya na akong mag-artista but since love niya ako, nag-sacrifice din siya, ni-let go niya rin ako para tuparin ko muna 'yung dreams ko.”

Ayon kay Maja, malaking dahilan ng kanilang pagbabalikan ay ang pamilya mismo ni Rambo.

Aniya, “Siguro po kasi 'yung time namin dati saglit lang parang three or four months lang kami when I was twenty one years old pero 'yung four months na 'yun… sa relationship kasi hindi lang 'yung partner mo 'yung iko-consider mo e, his family also.

“'Yung three to four months na 'yun 'yung family niya, si Tita Marilen, iba 'yung pina-feel parang pinaramdam niya na anak niya rin ako, 'yung mas kakampi siya sa akin kesa kay Rambo, 'yung ganun.”

Aminado si Maja na hindi niya ugali ang makipagbalikan sa ex-partner, pero nagbago ang kaniyang pananaw nang mas nakilala si Rambo at ang kaniyang pamilya.

“Ako rin e sabi ko walang balikan pero sobrang laking bagay talaga nung family niya,” ani Maja.

Ngayong Hulyo na nakatakdang ikasal sina Maja at Rambo pero magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ng aktres.

Saad niya, “Kasi sa dami nang napagdaanan ko parang alam ko na pero ito kasi new chapter, hindi ko pa napagdadaanan so bagong-bago sa akin, bagong-bago sa amin ni Rambo.”

“Ito 'yung second chance namin ulit para sa forever na,” dagdag pa niya.

Samantala, mapapanood naman si Maja sa bagong sitcom ng GMA na Open 24/7 kung saan makakasama niya sina Vic Sotto, Jose Manalo at maraming Sparkle stars.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MAJA SALVADOR AT RAMBO NUNEZ SA GALLERY NA ITO: