
Eksklusibong makakapanayam ng batikang TV host na si Boy Abunda sa kaniyang programang Fast Talk with Boy Abunda ang versatile actress-host na si Maja Salvador ngayong Lunes, May 22.
Sa teaser na inilabas ng nasabing programa, ibabahagi ni Maja ang kaniyang mga naging paghahanda para sa kaniyang bagong sitcom sa GMA na Open 24/7 kung saan makakasama niya sina Vic Sotto at Jose Manalo.
Mapapanood din sa nasabing teaser ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Maja at kaniyang fiance na si Rambo Nuñez.
Nauna nang inanunsiyo ni Boy na nakatakdang ikasal sina Maja at Rambo ngayong darating na Hulyo.
Samantala, naging usap-usapan din kamakailan ang pansamantalang pagliban ni Maja sa longest-running noontime show na Eat Bulaga kasabay ng mga isyung kinakaharap ng programa.
Pero sa statement na inilabas ng Crown Artist Management, nakasaad dito na ang pagliban ni Maja sa Eat Bulaga ay para magbigay sa kaniya ng oras para sa preparasyon ng kaniyang kasal.
Tutukan ang kaabang-abang na panayam nina Boy at Maja mamaya sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG HOTTEST PHOTOS NI MAJA SALVADOR SA GALLERY NA ITO: