
Good vibes ang hatid ng MAKA love team na sina Zephanie at Dylan Menor na naki-ride na rin sa "APT" dance challenge, na collaboration track ng BLACKPINK member na si Rose at Filipino-American singer na si Bruno Mars.
Hindi lang fun energy ang ibinigay nina Zephanie at Dylan dahil ramdam din ng fans ang kanilang chemistry.
Maging ang MAKA co-star nila na si Ashley Sarmiento ay napa-comment ng "Cute."
Bukod dito, nagpakilig din sina Zephanie at Dylan sa dance video nila ng "Breaking News" sa TikTok, na mayroon na ngayong mahigit 646,700 views.
@zephanieofficial I think kulang pa sa tawa 🤔 MAKA at 4:45PM!! @Dylan Menor #jarlettedance #fyp ♬ breaking news - flowerovlove
Para sa mas marami pang kilig moments nina Zephanie at Dylan Menor, subaybayan sila sa MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
Kasama din nila sa inspiring youth-oriented show ang Sparkle stars na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Chanty, Sean Lucas, at May Ann Basa, kasama ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
MAS KILALANIN SI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: