
Mas makikilala na si Chanty sa ikasampung episode ng MAKA Season 2.
Sa teaser na inilabas ng hit youth-oriented show, tampok sa upcoming episode ngayong Sabado (April 5) ang buhay ni Chanty at ang sikretong itinatago nito.
Sa likod ng pagiging maldita at queen bee ni Chanty ay may mabigat pala siyang pinagdadaanan sa buhay, kung saan nabiktima siya ng illegal recruiter at nabaon din sa utang.
Samantala, paniguradong kikiligin kina Zeph (Zephanie) at Shan (Shan Vesagas) ngayong Sabado. Makikita ang pagkabigla sa mukha ni Zeph nang tanungin ito ni Shan kung may gusto pa ba itong malaman tungkol sa kanya.
Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
BALIKAN ANG PASABOG NI ELIJAH SA ACQUAINTANCE PARTY NG MACARTHUR ACADEMY SA GALLERY NA ITO: