
Patuloy ang mainit na suportang natatanggap ng hit youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA para sa ikalawang season nito.
Pagkatapos ng limang episodes, umabot na sa mahigit 90 million views ang MAKA Season 2 sa GMA social media platforms.
Isang buwan na ngayong umeere ang MAKA Season 2 na nagsimula noong February 1.
Bukod dito, patok din sa TikTok ang teen show kung saan mayroon na ngayong 3.6 billion views ang official hashtag na "#MAKA."
Binubuo ang MAKA Season 2 cast nina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Elijah Alejo, John Clifford, Olive May, Chanty, Sean Lucas, May Ann Basa, Bryce Eusebio, Josh Ford, Shan Vesagas, Cheovy Walter, at MJ Encabo.
Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, KILALANIN ANG COUPLE INFLUENCERS NA SINA MJ ENCABO AT CHEOVY WALTER SA GALLERY NA ITO: