
Maraming netizens ang nag-enjoy sa pilot episode ng bagong season ng hit youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA.
Sa pilot episode na napanood noong Sabado (February 1), napalaban kaagad ang MAKA barkada na sina Zephanie, Marco, Ashley, at JC sa unang araw nila sa bagong school na MacArthur Academy.
Naging hamon sa kanila ang bagong environment, maging ang bagong schoolmates na sina Elijah, Josh, Shan, MJ, at Cheovy, at ang paglayo sa kanila ni Livvy.
Napuno naman ng papuri ang netizens sa exciting na kuwento ng MAKA season 2 at sa husay ng cast. May mga kinilig din para kina Zephanie at Josh Ford, maging kay Shan Vesagas.
Nagbabalik sa MAKA season 2 ang Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa, maging ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Nadagdagan ang barkada ng bagong cast members na sina Elijah Alejo bilang Elijah Rodente, Bryce Eusebio bilang Bryce Hernandez, Shan Vesagas bilang Shan Rodente, at Josh Ford bilang Josh Taylor, kasama ang influencers na sina MJ Encabo at Cheovy Walter.
Panoorin ang pilot episode ng MAKA season 2 sa video na ito:
Abangan ang MAKA season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG OUTFIT CHECK NG MAKA SEASON 2 CAST SA GALLERY NA ITO: