GMA Logo MAKA cast
What's on TV

'MAKA' young stars, enjoy sa kanilang taping at basketball bonding

By Aimee Anoc
Published September 16, 2024 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Meralco to heed ERC order halting disconnections for May to July bills
5 Davao SK heads face probe over alleged fund misuse
What we know about Franco Mabanta

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA cast


Makakasama at makikilala na ang pinakabagong Gen Z barkada ng youth-oriented drama series ng GMA Public Affairs na 'MAKA,' simula September 21 sa GMA.

Enjoy sa kanilang taping ang young stars ng Gen Z series na MAKA na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa o "Bangus Girl."

Sa interview kay Lhar Santiago ng 24 Oras, ipinarating ng cast kung gaano sila nag-e-enjoy sa taping at ang kanilang magandang samahan.

Ipinakita rin ng young cast ang isa sa kanilang bonding sa set--ang basketball, kung saan kitang-kita ang closeness nila sa isa't isa.

Unang araw pa lamang ng taping ay nakasama na ng young stars ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta, na gaganap bilang ang gurong si Sir V o Victor Felipe.

Tampok sa inspiring teen show na may musical elements ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA.

Matutunghayan sa youth-oriented show ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.

"Please watch out for MAKA," pag-imbita ng cast sa mga manonood. Magsisimula na ang MAKA ngayong Sabado, September 21, 4:45 p.m. sa GMA.

Panoorin ang teaser ng 'MAKA' sa video na ito:

KILALANIN ANG CAST NG GEN Z SERIES MAKA SA GALLERY NA ITO: