
First time na makakatrabaho ni Romnick Sarmenta ang Gen Z stars ng MAKA na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, "Bangus Girl" May Ann Basa, at Chanty Videla, kaya naman excited ang seasoned actor na mas makilala sila sa teen show.
Sa MAKA, makikilala si Romnick bilang Sir V, isang accomplished but infamous artist na naging teacher sa public school na Douglas Mac Arthur High School for the Arts o MAKA. Magiging mentor siya ng young stars sa Arts & Performance (A&P) section.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa naganap na pictorial ng MAKA noong Martes (August 13), ibinahagi ni Romnick ang excitement na makasama sa isang youth-oriented drama series ang ilang Sparkle stars at matuto sa kanilang generation.
"I enjoy getting to know more people, especially that age group kasi kaedad nila 'yung mga anak ko. It gives me an insight kung paano ko mas lalong maiintindihan 'yung mga sarili kong anak," sabi ni Romnick.
"It gives me the opportunity to learn, not only more about their generation but also each individual. I enjoy being able to hear their stories, kung ano man 'yung gusto nilang i-share and, hopefully, to be able to give them a little bit of... not advice pero experiential things maybe, na pwede kong i-share na sa tingin ko makakatulong sa kanila," dagdag niya.
Ayon kay Romnick, nakaka-relate siya sa gagampanang karakter sa MAKA dahil tulad nito ay naranasan din niyang magturo.
"Surprisingly, si direk pala hindi niya alam na nagtuturo talaga ako. Masaya rin kasi may part siguro doon sa character na magagawa kong angkinin na ganoon talaga ako.
"And, excited ako kasi makikita ng mga anak ko kung paano ako sa loob ng isang classroom kasi 'di nila nakikita iyon."
Abangan si Romnick Sarmenta sa MAKA, na mapapanood na ngayong September sa GMA.