GMA Logo Makiling
What's on TV

Makiling: Ang mahiwagang bulaklak sa bundok Makiling

By Jimboy Napoles
Published January 16, 2024 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Makiling


Ang simpleng buhay nina Amira at Alex sa bundok Makiling, yayanigin ng mga matitinding pagsubok.

Tinutukan at patuloy na sinusubaybayan ngayon ang bagong revenge drama sa GMA Afternoon Prime na Makiling na pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Gumaganap dito sina Elle at Derrick, bilang ang magkasintahan na sina Amira at Alex na nakatira sa bundok Makiling. Tumabo rin mataas na TV ratings ang pilot week nito tampok ang mga matitinding eksena.

Sa unang episode, ipinakita ang pagiging mabuting anak ni Amira na mula sa pamilya ng mga manggagamot, at ang pagiging matulungin nila ni Alex sa kanilang baryo.

Kahit pawang panghihilot lamang ang kanyang kaalaman, nagawa pa rin ni Amira na paanakin ang kanilang kabaryo na si Grace na humingi sa kanila ng tulong. Ang dating nagdududa sa kanyang kakayahan, ngayon ay sumusuporta na sa kanya.

Sa pagdating naman ng kapatid ni Amira na si Rose (Thea Tolentino) ay biglang nagkaroon ng tensyon sa kanilang tahanan. Ang poot sa puso ni Rose, unti-unti niyang ipinapakita sa kanilang pamilya.

Ang pagiging matulungin naman nina Amira at Alex, tila hindi nasuklian ng maganda nang makaengkwentro nila ang grupong Crazy 5 sa bundok Makiling. Ang Crazy 5 ay ang grupo ng mga bully na sagad sa kasamaan ang ugali. Sa unang pagkikita pa lang ay ipinakita na nila kina Amira at Alex ang kanilang kasamaan.

Sa ikalimang episode, natuklasan na nina Amira at Alex sa bundok Makiling ang mahiwagang bulaklak na Mutya na nakapagpapagaling. Dahil sa kapangyarihan nito, naisip ni Rose na baka ito na an sagot sa kanilang kahirapan. Pero ano nga kaya ang maidudulot ng bulaklak na ito sa kanilang buhay?