GMA Logo Makiling
What's on TV

Makiling: Ang mas sukdulang paghihiganti ni Amira

Published March 1, 2024 7:08 PM PHT
Updated March 2, 2024 9:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 180,000 passengers expected at PITX before Christmas week
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Makiling


Simula sa Lunes, March 4, babaliktad na ang mundo nina Amira at Portia sa 'Makiling.'

Sa pagbabalik ni Amira, mabubulabog ang buhay ng makapangyarihang mga Terra at ng Crazy 5.

Ngayong mayroon na siyang pera at kakayahang lumaban, isa-isa nang paghihigantihan ni Amira (Elle Villanueva) ang mga taong umapi sa kanya.

Si Oliver (Teejay Marquez) ang unang biktima ng matinding paghihiganti ni Amira. Mararamdaman ni Portia (Myrtle Sarrosa) na hindi magtatagal at siya naman ang magiging target ni Amira. Nang malaman niya ang tungkol sa lihim na relasyon ng kapatid nitong si Rose (Thea Tolentino) at ng dating boyfriend na si Alex (Kristoffer Martin), gagawa si Portia ng paraan para siya mismo ang mag-expose ng sikretong ito kay Amira para masaktan siya.

Masakit para kay Amira na malaman na may iba nang mahal si Alex. Pero higit pa rito, masasaktan siya nang malamang nagsinungaling sa kanya ang sarili niyang pamilya tungkol sa relasyon nina Rose at Alex. Magkukunwari siyang walang alam tungkol sa dalawa at aakitin si Alex para pilitin itong umamin sa tunay na status nila ni Rose. Ipapaalala naman sa kanya ni Maria Makiling ang totoong dahilan ng pagbabalik niya.

Bukod sa galit dahil sa mga dinanas niya sa kamay ng Crazy 5, kakabit ng paghihiganti ni Amira ang pagkamit ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang ama. Handa siyang gawin ang lahat para malaman ang katotohanan at magbayad sa batas ang taong pumatay kay Crisanto (Cris Villanueva). Ipapadukot ni Amira si Portia at ipaparamdam dito ang lahat ng kahayupang dinanas niya noon.

Pahihirapan ni Amira si Portia upang mapaamin ito sa totoong nangyari kay Crisanto. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang buong katotohanan. Sa matinding pasakit na ipaparannas niya kay Portia, makakamit na kaya ni Amira ang hustisyang hangad niya para kay Crisanto?

Tutok na sa Makiling, ang pambansang revenge drama ng Pilipino tuwing 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime!

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG MAKILING SA GALLERY NA ITO: