
Umabot ng mahigit apat na takes ang isang eksena ng Crazy 5 na sina Myrtle Sarrosa, Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Teejay Marquez, at Claire Castro kasama ang actress-comedienne na si Rubi Rubi sa Makiling.
Hindi kasi napigilan ng limang Makiling stars na matawa sa paraan ng pag-arte ni Rubi Rubi bilang isang espiritista.
Sa video na in-upload ni Royce sa Facebook, mapapanood ang nakatutuwang behind-the-scenes ng naturang eksena kung saan hirap na hirap silang magseryoso dahil sa tawa.
Ang eksena kasi, kunwaring kakausapin ni Rubi Rubi ang kaluluwa ng namayapang ama ni Amira - ang karakter ng bida ng serye na si Elle Villanueva.
Pero imbis na matakot, laugh trip ang nangibabaw sa lima na hindi napigilang matawa sa kunwaring pagsanib kay Rubi Rubi.
“Pinilit talaga namin magseryoso sa eksena pero mahusay din talaga si Ms. Rubi Rubi, Kudos!” caption ni Royce sa kanyang post.
“Ang hirap talagang pigilan ng pagtawa kapag bawal tumawa haha,” dagdag pa niya.
“Kahit ako habang pinapanood ko 'tong episode natatawa ako,” komento naman ng isang netizen.
Subaybayan naman ang mas pinatinding twists sa Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4pm sa GMA Afternoon Prime.