
Nalagasan man ng kakampi si Amira (Elle Villanueva) sa pagsama ng kanyang kapatid na si Rose (Thea Tolentino) sa Pamilya Terra, may nagbabalik naman para tumulong sa kanya na maghiganti sa Crazy 5.
Dahil inamin na ni Doc Franco (Mon Confiado) na anak niya si Rose, nagkaroon ng dahilan ang huli na sumama na sa kanya at sa pamilya nito. Masakit man ito para kay Amira ay hinayaan niya na lang ang kagustuhan ng kanyang ate na makilala pa ang tunay niyang ama.
Sa kabilang banda, nagbabalik naman si Bianca (Pauline Mendoza) ang isa sa mga inapi noon ng Crazy 5 na sina Portia (Myrtle Sarrosa), Seb (Kristoffer Martin), Ren (Royce Cabrera), Oliver (Teejay Marquez), at Maxine (Claire Castro).
Sa kanyang pagbabalik, magkakasundo sila ni Amira upang pagbayarin ang Crazy 5 at ang mga Terra sa pagsira sa kanilang buhay.
Tutok na sa Makiling, ang pambansang revenge drama ng Pilipino tuwing 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime!
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG MAKILING SA GALLERY NA ITO: